Sunud-sunod na hacking sa gobyerno, isinusulong nang imbestigahan sa Senado

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na makapagdadala ng panganib sa kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayang Pilipino ang sunud-sunod na data breach at hacking sa ilang ahensya ng gobyerno.

Kaugnay nito, inihain ngayong araw ni Hontiveros ang Senate Resolution No. 829 na naglalayong imbestigahan ang mga nangyayaring cyberattacks.

Ayon pa kay Hontiveros, importanteng makita ng Senado ang kasalukuyang kalagayan ng cybersecurity measure ng bansa upang mapangalagaan ang national security.

Maalala, nakaranas ng cyberattack mula sa Medusa Ransomware ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), samantalang data breach naman sa Community-Based Monitoring System ang kinaharap ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *