Business

Sunud-sunod na pagsasailalim sa Luzon Grid sa yellow alert, asahan na – DOE

Inaasahang ilalagay sa yellow alert level status ng labindalawang beses ang Luzon Grid simula Marso kung tataas ang demand sa kuryente.

Ayon kay Department of Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevarra, kahit hindi nakikita ng ahensya na malalagay sa red alert status ang Luzon ngayong taon, inaasahang labindalawang beses itong sasailalim sa yellow alert status.

Ang naturang status ay inaasahang maipatutupad sa ika-11 linggo ng taon sa Marso, weeks 13 at 17 sa Abril, lahat ng linggo ng Mayo, weeks 22 at 23 sa Hunyo, 35 sa September, week 42 sa October, at week 47 sa November.

Dagdag ni Guevarra, wala sanang maitala ang bansa na biglaang outage dahil kung mangyayari ito, magkakaroon ng red alert.

Humiling naman ang undersecretary na ngayong taon ay makahahabol na ang bansa sa construction ng mga renewable energy.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

12 hours ago