Supply ng kuryente sa Lamba, Legazpi City, naibalik na matapos ang ilang araw na brownout

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng barangay kapitan ng Lamba, Legazpi City na naibalik na ang supply ng kuryente sa kanilang lugar matapos ang ilang araw na brownout.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Kapitan Norberto Abion, sinabi niya na isang pulitiko ang tumulong sakanila upang magkaroon muli ng supply ng kuryente sa kanilang barangay.

Aniya, wala na rin kasing transaksyon sa barangay dulot ng kawalan ng supply ng kuryente at nalalapit na rin ang pagdiriwang ng fiesta, kaya’t naisipan niya nang humingi ng tulong.

Inamin din ni Abion na hindi pa kasi niya nababayaran nang buo ang mahigit PHP200,000 na singil ng kuryente dahil may mga residente na hindi pa nakakapagbayad kaya’t pinutulan ang kanilang lugar na nagresulta sa apat na araw na brownout.

Sinabi pa ng kapitan, nasa PHP100,000 pa ang nararapat nilang bayaran dahil pasok pa umano ito sa kanilang mother meter.

Samantala, matapos nito’y ang naging sistema, iniisa-isa nila ang mga residenteng hindi nagbabayad upang putulan na oras na makipagmatigasan pa ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *