Suspek sa robbery hold up sa Puerto Princesa, nahuli na

Arestado sa buy bust operation ng City Police Office si Harvey Francisco Balanza, nakalaunay napag-alaman na isa rin sa suspek sa dalawang insidente ng panghoholdap dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Base sa report ng PNP, naaresto si Balanza sa buy-bust operation noong May 5, 2022 sa Barangay Bancao-Bancao, at napansin umano ng mga imbestigador ang pagkakahawig nito sa isang suspek na nangyaring pangho-hold-up sa MP road noong April 21, 2022, base umano sa kuha ng CCTV.

Sa isinagawa namang imbestigasyon ay kinumpirma ng mga biktima at maging ang suspek ay umamin sa pagkakasangkot nito sa dalawang holdapan.

Kung matatandaan, alas 10:20 ng gabi noong March 12, 2022 ay may naganap na robbery sa Tiansuy Go road, Barangay San Jose kung saan ang biktima ay isang negosyante at tinangay rito ang mahigit kumulang Php500,000.00, dalawang cellphone at iba pang mga personal na gamit.

Ang ikalawa namang insidente ng pangho-hold up na sangkot ang suspek ay noong April 21, 2022 mga bandang alas 11:30 ng umaga sa MP Road, Barangay San Miguel na ang biktima ay isang retired teacher na kung saan tinangay sa kanya ang mahigit kumulang P10,000.00, mga ATM, mga ID at iba pang mga personal na gamit.

Sa ngayon si Balanza ay nasa kustodiya ng Puerto Princesa City Police Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *