SWP, hahanap ng ibang Chinese coach para kay Hidilyn Diaz

Plano ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) na kumuha ng isa pang Chinese coach matapos ang tagumpay ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics.

Sinabi ni SWP President Monico Puentevella na hihilingin niya ito kay Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez oras na makabalik siya sa Maynila.

Naging matagumpay naman ang pakikisama ni Diaz kay Gao Kaiwen na nagresulta sa gintong Olympic medal.

Gayunman, hindi na matiyak na makababalik pa ang Chinese coach, dahil nais nitong makasama ang kaniyang pamilya na hindi niya nakita sa loob ng tatlong taon.

Aminado naman si Puentevella na problema rin nila ngayon kung may balak pa ang China na magpahiram ng kanilang coaches matapos matalo ang kanilang top weightlifters sa Olympics.

Ipinunto ng SWP President na sikat na rin si Gao sa Beijing, kung saan ito nakatira.

Sa ngayon, ay sinabi ni Puentevella na ang conditioning coach na si Julius Naranjo muna ang magsisilbing coach ni Diaz, habang si Gao naman ang magiging consultant nito.

Samantala, ipinunto naman ng SWP na nais rin nila na pagdaanan ng mga mas batang weightlifters ang naging pagsasanay ni Hidilyn, kung kaya’t magre-request rin sila ng Chinese coach para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *