Taguig City tiniyak ang benepisyo sa mga senior citizen sa 10 Embo barangays

Nagsimula nang mamahagi ng ayuda at benepisyo ang Taguig City para sa mga senior citizen sa 10 Embo barangay na sakop na ngayon ng naturang lungsod.

Mismong si Mayor Lani Cayetano ang nanguna kickoff ceremony ng pamamahagi ng ayuda sa Barangay Pembo kung saan namigay ito ng cash gift sa mga matatanda sa lugar.

Aabot sa P3,000 hangang P10,000 ang natanggap ng mga senior citizen depende sa kanilang edad.

Bukod dito, nagbukas din ang Taguig ng isang one-stop shop volunteer center sa Sampaguita Street sa Barangay Pembo kung saan ang mga hindi kasama sa unang listahan ng benepisyaryong senior citizen ay maaaring pumunta para mai-lista at ma-verify para sa kanilang birthday cash gift.

Tiniyak ng LGU na ibibigay ang parehong mga programa at serbisyo sa kanilang mga bagong residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *