Taiwanese armies, nakadetine matapos umanong maglahad ng military secrets sa China

Inilahad ng Defense Ministry ng Taipei na kasalukuyang nakadetine ang isang lieutenant colonel at ang iba pang pinaghihinalang kasamahan nito matapos akusahan sa pag-leak ng national defense secrets at iba pang impormasyon sa China.

Ito ay sa gitna ng nagaganap na territorial dispute sa pagitan ng China at Taiwan.

Kinilala ang lieutenant colonel sa apelyidong Hsieh na ngayon ay sumasailalim sa imbestigasyon dahil sa umano’y pagbuo ng isang spy organization ng pinaghalong current at retired military personnel upang mangolekta ng impormasyon na ibibigay sa kalaban.

Ayon sa naturang Defense Ministry, lubos nilang ikinalulungkot at mahigpit na kinokondena ang mga taong lumalabag sa tungkulin na ipagtanggol ang kanilang bansa, maging ang mga indibidwal na gumagawa ng krimen at nagtataksil sa kanilang bayan.

Maliban dito, nakwestiyon din ang isang retiradong army at tatlong iba pa hinggil sa kaso, at nai-release din ang mga ito dahil sa piyansang NT$20,000 ($630) hanggang NT$600,000 ($19,000).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *