Tatlo patay matapos malunod sa Botolan, Zambales, rescue team may isa pang hinahanap

Patay ang tatlo katao matapos na malunod sa karagatang sakop ng Botolan, Zambales.

Ayon sa kay Andy Divino, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, nangyari ang insidente nakaraang Sabado ng umaga sa coastal area ng Bgy. Panan.

Unang nahanap ang biktimang si Donna Santiago, 36-anyos na naisugod pa sa ospital pero binawian rin ng buhay, pagsapit naman ng hapon ay natagpuan ang katawan ng isang Rialyn Rosales, 17-anyos at kinabukasan naman ay nakita ang isa pa na si Reynaldo Santiago, 60-anyos na pawang mga taga Bulacan.

Sa huling update ng BNFM kay Divino, hinahanap pa umano ng Search and Rescue Team ang isang nawawala na si Rayn Santiago, 13-anyos.

Ayon pa kay Divino, walk-in ang mga ito at hindi naman umano nagcheck-in sa anumang resort dahil may kamag-anak sa lugar.

Masama umano kasi ang panahon noong Sabado hanggang ngayon kaya nahihirapan rin ang rescue team sa paghahanap sa nawawala pa dahil na rin sa malakas na alon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: MDRRMO BOTOLAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *