Team Philippines, napag-iiwanan na ng kanilang SEA counterparts

Kailangan na ng mga miyembro ng Team Philippines na magpabakuna bago mapayagan ang mga ito na makipagkompitensya sa 31st Southeast Asian Games sa November 21 hanggang December 2 sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay matapos itakda ng host country ang “no vaccine, no participation” policy sa ginanap na online meeting ng SEA Games Federation na dinaluhan ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino.

Sinabi ni Tolentino na makabubuti para sa lahat ang nasabing polisiya.

Ipinunto ni Tolentino na karamihan ng mga atleta mula sa Southeast Asian counterparts ng bansa ay nabakunahan na.

Iginiit ni Tolentino na tanging ang Pilipinas na lang ang napag-iwanan sa vaccination, ngunit sinabi niya na nagsulat na sila sa IATF para mabigyang prayoridad ang mga SEA Games-bound delegates.

Tiniyak naman ni Tolentino na handa silang tanggapin ang anuman brand ng vaccine.

Matatandaan na suportado nina Deputy Speaker Mikee Romero at Senators Francis Tolentino at Bong Go ang mga panawagan na gawing prayoridad ang mga national athletes sa vaccination program ng gobyerno. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *