Team USA , mapapanood sa Pilipinas sa group games sa 2023 FIBA ​​World Cup

Mapapanood sa Pilipinas ang Team USA para maglaro sa group games sa 2023 FIBA ​​World Cup.

Sa isang anunsyo na ginawa ng FIBA ​​ , ang mga host country  kabilang ang Pilipinas ay pumili ng mga koponan na lalaro sa Group Phase na gagawin sa sa kani-kanilang bansa.

Kinumpirma ng Central Board ng FIBA na pagkatapos ng konsultasyon sa mga host nations,  ang USA ay maglalaro sa Pilipinas, ang Slovenia ay maglalakbay sa Japan at ang Canada ay pupunta sa Indonesia.

Bilang host ng Group at Final phase, ang Pilipinas ay ilalagay sa Pot 1 sa draw, kasama ang iba pang pinakamahusay na ranked teams pagkatapos ng last window ng World Cup qualifiers noong February 2023.

Dahil dito, sinabi ng FIBA ​​na ang Pilipinas at USA ay ilalagay sa dalawang magkaibang grupo mula sa apat na team. Tig-dalawang grupo naman ang maglalaban-laban sa Japan at Indonesia.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *