Tigil-pasada sa NCR bago ang PUVMP deadline consolidation – target ng PISTON

Planong maglunsad ng tigil-pasada ang grupong PISTON sa gitna ng nalalapit na deadline ng consolidation ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ngayong katapusan ng Abril.

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, mariin nilang kinondena ang naturang hakbang dahil mahihirapan ang mga jeepney driver at operator sa bansa.

Umaasa si Floranda na maglalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng PUV modernization program ng pamahalaan.

Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na sisimulan nang huhulihin ang mga kolorum na jeepney sa unang araw ng Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *