Tinaguriang pinaka premature na baby na ipinanganak sa mundo, ipinagdiwang ang kanyang unang kaarawan

Minneapolis– Maniniwala ka ba na ang isang batang may 0% na tsansang mabuhay matapos ipanganak na premature sa Minneapolis ay nagawang maka survive at katunayan ay nagdiwang na ng kanyang unang kaarawan?

Imposible man kung iisipin ngunit ang batang si Richard Hutchinson ang nakapagpatunay na totoong may himala matapos itong lumaking malusog at masiyahing bata sa kabila ng sinapit nang siya ay alanganing iluwal ng kanyang ina.

Si Richard ay ipinanganak noong June 05, 2020 at dumating sa mundo sa gulang na 131 days at may bigat lamang na 11.9 oz batay sa tala ng Guinness World Records na nag konsidera sa kanya bilang pinaka premature na sanggol na ipinanganak ngunit nagawang mabuhay sa mundo.

Ayon sakanyang mga magulang na sina Beth at Rick Hutchinson, kayang kumasya ni Richard sa kanilang palad nang ito ay isilang sa sobrang liit.

Bunsod ng pagiging premature, kinailangan niyang manatili sa loob ng pitong buwan sa neonatal intensive care unit sa Children’s Minnesota hospital sa Minneapolis.

Nang matanggap ng kanyang mga magulang ang prenatal counseling kung ano ang dapat na asahan sa maagang paglabas ng kanilang anak, inihayag ng mga doktor na tanging 0% lamang ang tiyansa na ito ay mabuhay.

Ayon sa ina ni Richard, hindi sila makapaniwala sa nangyari ngunit may ligaya silang naramdaman sa kanilang mga puso.

Dagdag pa ng kanyang ina, si Richard ay masayahing bata, palaging nakangiti at may napakagandang mata. Sa tuwing ngumingiti ito ay nakukuha ang kanyang atensyon na parang isang anghel na may maamong mukha.|| JESSA NAGERA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *