Tindahan, inararo ng kotse sa  Camarines Sur; isa sugatan

Niragasa ng isang kotse ang tindahan sa  Nabuntogan Banga Caves Ragay , Camarines Sur.

Ayon sa PNP Ragay, nangyari ito bandang alas-9 ng umaga nitong martes Oct. 17 sa Rolando Andaya Highway.  Ligtas ang driver at mga sakay nito na papunta sana sa Bohol.

Nasugatan naman ang 3-anyos na bata na anak ng may ari ng tindahan/ kainan, dinala sa ospital at kalaunan ay na-discharge na rin.

Ayon sa driver , may nasagasaan siyang bato at hindi na nakontrol ang sasakyan hanggang sa makapunta sa labi ng kalsada kung saan nga naroroon ang tindahan.

Nag usap na ang magkabilang panig ukol sa pinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *