TNT, nakatakdang makuha si Calvin Oftana sa three-team trade

Tila babawi ang TNT mula sa kanilang disappointing setback sa PBA Philippine Cup Finals, matapos makuha ang rising star na si Calvin Oftana mula sa NLEX sa proposed three-team trade.

Sa ngayon, pending pa ang approval ng trade committee ng liga para dito.

Pero sa kabila nito, makukuha ng Tropang Giga si Oftana at big man Raul Soyud mula sa Road Warriors.

Bilang kapalit naman, makukuha ng NLEX ang rookie center na si Brandon Ganuelas-Rosser at injured guard Paul Desiderio mula sa Blackwater.

Mapapasama naman sa Blackwater ang versatile forward na si Troy Rosario at Gab Banal mula sa TNT.

Sa oras na makuha na ang go signal, si Oftana ay nakatakdang maglaro sa ilalim ni coach Chot Reyes, na isinama ang dating San Beda University standout sa Gilas Pilipinas sa huling Fiba World Cup Asian Qualifiers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *