TNT’s Chot Reyes, tinanghal na Coach of the Year sa PBA Press Corps Awards Night

Tinanghal si TNT’s Chot Reyes bilang Coach of the Year sa ginanap na PBA Press Corps Awards Night sa Novotel Manila Araneta Center.

Matatandaang nasungkit ni Reyes ang naturang award noong 2011 at pangatlong beses na niya umanong nakuha ito.

Kinalaban niya ang nasa 14 na iba pang awardees kabilang si Barangay Ginebra’s Tim Cone.

Samantala, dumalo sa nasabing face-to-face awards night si PBA chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *