Toda Drivers sa Subic isinailalim sa surprise random drug testing

Isinailalim sa surprise random drug testing ang mga tricycle drivers kaninang umaga na isinagawa sa palengke sa bayan ng Subic.I

to ay sa pamamagitan ng isinagawang Oplan Harabas ngayong araw kasama ang PDEA, PNP, Highway Patrol, 2nd PMFC, LTO, Subic Fire, DOH, PCG at LTFRB.

Nasorpresa naman si PDEA Provincial Officer Agent Jigger Juniller sa naging tugon ng mga drivers.

Ito ay dahil mas dumami ang mga nagkusang pumila para sumailalim sa drug testing.

Ayon sa ilang driver na nakausap ng BNFM, pinili nilang sumailalim sa testing dahil kumpyansa sila sa kanilang sarili at para patunayang hindi gumagamit ng ipinagbabawal na droga.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Ang Heartburn ay isang sintomas ng Acid Reflux. Ito ay isang kondisyon na kung saan ang pagkaing naka imbak sa tiyan ay umaakyat sa esophagus 。 food pipe na umilikha ng "burning pain" iyong lower chest. sa Power Cells 6IN Salabat Herbal ×25Sachets isang sachet a day, tiyak na giginhawa ka all day! Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew SHOP NOW! Lazada ww.aaan-tn www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *