Tone-toneladang asukal at bigas nasabat ng BOC sa surprise inspection sa Caloocan warehouse

Muling naka-kumpiska ang Bureau of Customs ng tone-toneladang suspected smuggled rice at asukal sa warehouse sa Caloocan City, kasunod ng surprise inspection.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), napilitan ang Customs personnel na buksan ang establisyemento, matapos na hindi nakipagtulungan ang mga may-ari nito sa inspection team, na mayroong Letter of Authority.

Maliban sa mga sako-sakong bigas at akusal, tumambad rin sa kanila ang mga repacking machines, na pinaniniwalaan ng mga otoridad na ginagamit para palitan ang packaging ng imported rice at sugar para palabasing ito ay locally sourced.

Matatandaan na nitong weekend, nadiskubre rin ng Customs ang nasa 60,000 bag ng pinaniniwalaang hoarded sugar, matapos ang ginawang inspeksyon sa apat na warehouses sa Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *