Toneladang seaweeds propagules ipinamahagi ng BFAR sa bayan ng Vinzons

CAMARINES NORTE- Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng nasa isang toneladang seaweeds propagules sa Barangay Pinagtigasan, Vinzons, Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam nasa dalawampung seaweeds farmers ang nabigyan ng seaweeds propagules na bahagi ng kampanya ng BFAR para mapalakas ang seaweeds production sa lalawigan.

Kung maalala ay sinimulan ng ahensiya na palakasain ang seaweeds production sa lalawigan.

Ang pagtatanim kasi nito ay mayroong economic value bukod pa sa tulong pangkabuhayan sa mga seaweeds farmers.

Dati ay isa ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa mundo na may malaking ambag sa seaweeds production.

Batay sa datos  ng Philippines Statistics Authority (PSA) noong 2018 ay tumaas ng hanggang sa 8.58 percent ang naitalang seaweeds production sa bansa sa second quarter.

Naitala ang 318. 51 libong MT produksiyon na mas mataas kumpara sa 293.34 libong MT noong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *