Top 1 Most Wanted Person ng CALABARZON, arestado sa Batangas

BATANGAS CITYNakakulong na ang isang 27-anyos na lalaking itinuturing na Top 1 Most Wanted Person, regional level matapos na maaresto sa Brgy. Paharang West, Batangas City.

Kinilala ang suspek na si Raymart Noche y Kagindangan, 27 anyos, construction worker at residente ng naturang barangay.

Nahaharap ito sa kasong Murder at Frustrated Murder na isinampa sa kanya noong 2018.

Ayon sa imbestigasyon ng Batangas City Police Station, naaresto ito ng operatiba sa ikinasang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang tinutuluyan bandang alas-7:40 ng gabi noong Hunyo 21, Lunes.

Napag-alaman na 2018 pa unang nagtago ang biktima matapos ang ginawang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *