Top 1 most wanted sa MIMAROPA na may patong-patong na kaso, arestado sa Aborlan

Arestado ang Top 1 (Regional Level) Most wanted person ng MIMAROPA ang may patong-patong na kaso ng pangggagahasa sa Purok Masikap, Brgy. Tigman, Aborlan, Palawan nitong Linggo,  June 18.

Kinilala ang suspek na si John Cedric Baldecañas Palay, 23 anyos, na nahuli ng mga tauhan ng Aborlan Municipal Police Station.

Ang pag-aresto ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 47 sa Puerto Princesa City Palawan dahil sa Paglabag sa RA 7610 o SPECIAL PROTECTION AGAINST CHILD ABUSE, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php100,000; Grave Coercion, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php 36,000; at 6 na bilang ng Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Gayunman, hindi idinetalye ng pulisya ang tungkol sa kaso ni Palay.

Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang akusado at bago dadalhin sa court of origin para sa kanyang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *