Transition ng PCOO officials sa susunod na press secretary, pinaghahandaan na

Tiniyak ng tanggapan ng Presidential Communications Operations Office o PCOO na pinaghahandaan na nito ang maayos na transition of office sa susunod na Press Secretary na si Trixie Cruz-Angeles.

Ayon kay acting deputy presidential spokesperson PCOO Undersecretary Kris Ablan, pinaghahandaan na nila ang turnover of power at ang ilan pang mga hakbang para sa maayos na pagsasalin sa susunod na PCOO officials.

Inatasan na umano siya ni Secretary Martin Andanar para pakilusin ang transition team para hindi na maulit ang naranasan nila noong sila ang bago sa tanggapan sa Palasyo.

Personal umano siyang magiging bahagi ng transition team na siyang magiging pangunahing abala sa pagbibigay ng mga dokumento at mga impormasyon na kakailanganin ng bagong administrasyon.

Sa ngayon, nagpadala na sila ng pormal na imbitasyon kay Angeles para talakayin ang mga hakbang para sa pagsasalin ng mga tungkulin ng PCOO.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *