Tripleng bilang ng turistang dadayo sa Caramoan, Camarines Sur, asahan!

CAMARINES SUR – Inaasahan ang tripleng bilang ng turistang dadayo sa Caramoan, Camarines Sur ngayong mas lalong tumitindi ang init ng panahon.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga Kay Katherine Herrero, Municipal Tourism Office Head ng Caramoan, sinabing nakapagtala sila ng pitong libo na mga turista nito lang nagdaang Semana Santa at ngayong may dalawang mainit na buwan pa ang natitira, inaasahan nila na mas dadagsa pa ang mga bakasyunista sa lugar.

Bilang paghahanda, katuwang ng kanilang opisina ang mga rescue teams para magbigay ng asistensya, may aksidente man o wala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *