Tubig para kay Juan project ng Olongapo CHO balik muli ngayon

Balik muli simula ngayong araw ang Tubig para kay Juan project ng Olongapo City Health Office.

Ito ay matapos na mahinto nitong mga nakalipas na taon dahil na rin kasagsagan ng covid-19 pandemic.

Ayon kay City Health Officer Dr. Duds Bustamante, layon ng pagbibigay ng bottled water sa mamamayan para makaiwas sa heat stroke at dehydration ngayong panahon ng tag-init.

Makikita umano ito sa harap at likod ng City Hall at sa may JLGMH kung saan madalas maraming tao.

Ang Tubig para kay Juan project ay magtatagal hanggang sa ika-29 ng Abril pero pansamatalang titigil mula sa Huwebes hanggang Linggo bilang paggunita sa Semana Santa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, eyeglasses and text that says 'Humahagod sa lalamunan! Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew www. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *