Tupada sa Donsol, sinalakay

SORSOGON CITY – Sinalakay ng mga operatiba ng Donsol Police ang isang iligal na tupadahan kung saan naaresto ang apat na kalalakihan kabilang ang isang negosyante.

Ayon sa ulat, nagkasa ng SACLEO o Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations ang nasabing himpilan sa pangunguna ng hepe nito na si PMaj Arwin Destacamento.

Ganap na alas 3:00 ng hapon, Disyembre 10, nang salakayin ang iligal na tupadahan sa Brgy San Jose ng nasabing bayan.

Mga wala pa umanong mga face mask ang mga pumupunta rito na posibleng magkahawaan dahil sa dikit dikit at hiyawan habang nagaganap ang naturang sabong.

Naaresto sa nasabing sabungan sina Joseph Bonaobra Daria, 55-anyos, may asawa at Edgar Daria Palima, 35-anyos, may asawa parehong residente ng nasabing barangay; Gino Bolotano Morino, 26-anyos, may kinakasama, negosyante at Vincent Llantos Miraballes, 25-anyos, binata, driver, parehong naninirahan sa Brgy Banuang Gurang ng nasabing bayan.

Narekober sa mga ito ang perang taya at apat na panabong na manok.

Mahaharap sa kaukulang asunto ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *