Ukraine President Zelensky, inilagay sa wanted list ng Russia

Nagkahain ng criminal case ang Russia laban kay Ukraine President Volodymyr Zelensky at inilagay din ito sa wanted list ng bansa.

Ayon naman sa foreign ministry ng Ukraine mismong si Russian President Vladimir Putin ay subject to arrest din sa ilalim ng International Criminal Court warrant.

Matatandaan na naglabas ng mga arrest warrant ang Russia sa mga Ukrainian at iba pang mga politiko sa Europe mula pa noong Pebrero 2022, o nang magsimula ang gusot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Noong Pebrero rin ay inilagay ng Russian police sina Estonian Prime Minister Kaja Kallas, Lithuania culture minister at mga miyembro ng nakaraang Latvian parliament sa wanted list dahil sa pagsira umano sa mga Soviet-era monument.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *