UP-PGH, wi-nelcome ang pagpapatayo ng P6Billion-Cancer Center

Ikinagalak ng pamunuan ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) ang pagpapatayo ng administrasyon ng Cancer Center sa kanilang pasilidad.

Sa isang panayam, sinabi ni UP-PGH Medical Dir. Dr. Gerardo Mendoza na isa itong welcome development lalo na’t malaki ang maitutulong niyan sa libu-libong mga cancer patients sa bansa.

Aniya, matagal na raw nilang isinusulong ang pagkakaroon ng isang specialized center para matiyak ang de kalidad at abot-kayang mga oncology services.

Sa datos, tinatayang aabot umano sa 60,000 na mga cancer patients ang naitatala ng UP-PGH kada taon.

Kung maaalala, inanunsyo kahapon ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pag-apruba sa P6Billion project.

Sa oras na maging operational – tinatayang aabot sa 300 ang kaya nitong i-acommodate na mga cancer patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *