Updated tax amnesty guidelines, inilabas na ng BIR

Naglatag ng updated na alituntunin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa new estate tax amnesty program para mapakinabangan ng higit isang milyong pamamanahan ng mga naiwan ng isang taong yumao na.

Isa sa mga naging pagbabago ay ang extension ng estate tax return filing deadline ng dalawa pang taon o hanggang June 14, 2025.

Maliban dito, extended din ang coverage para sa mga namatay mula sa dating May 20, 2020, at sa mga nakalipas na mga taon – sa May 31, 2022 at sa mga nakalipas na mga taon.

Binigyang-diin ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., ang mga pagbabagong ito ay mas user-friendly kaysa sa mga dating guidelines na nagpapatakbo sa estate tax amnesty law (RA 11213).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *