US sasagutin ang COVID-19 vaccinations ng 550,000 South Korean service

Kinumpirma ni US President Joe Biden na sasagutin nila ang COVID-19 vaccinations ng 550,000 South Korean service members na in-close contact sa American forces.

Kaugnay nito ay nagpasalamat si South Korean President Moon Jae-In kay Biden kasabay ng pahayag na patunay ito ng extension ng alyansa ng dalawang bansa sa larangan ng kalusugan.

Kinumpirma ng dalawang leader ang bagong vaccine partnership para sa expansion ng manufacturing at pagpaparami ng global vaccine supply.

Inihayag din ni Biden na posibleng sa ikalawang bahagi ng 2021 hanggang sa 2022 ay makakapag-produce ang dalawang bansa ng hanggang isa pang bilyong doses ng bakuna

Pinuri din ni Biden si Moon sa pagtutok nito sa vaccination ng buong Indo-Pacofoc region.

Binigyang diin ni Biden na nagustuhan niyang katangian ni Moon ang hindi lang nito pagtutok sa US at Korea kundi sa buong rehiyon at sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *