US VP Harris, nanindigang dapat irespeto ang arbitral ruling sa WPS

Nanindigan si US Vice President Kamala Harris na susuportahan ng Amerika ang 2016 arbitral rulling kung saan ay binabasura ng UN ang pangaangkin ng China sa ilang mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa kanyang talumpati sa BRP Teresa Magbanua, tiniyak ng US Official na kikilalanin nila ang desisyon ng UN, kasabay ng panawagan sa mga kaalyado na labanan ang lahat ng mga ‘unlawful’ at iresposableng gawi sa rehyon.

Kinumpirma rin ni Harris ang pagpapatayo ng mas maraming areas of cooperation sa Pilipinas, pati na rin ang karagdagang suporta sa development ng maritime capabilities ng bansa.

Isusulong din umano nila ang mga hakbang para malabanan ang ‘illegal, unreported, and unregulated’ fishing o (IUU).

Aniya, ang IUU ay isang malaking banta sa coastal eco-systems, at ekonomiya ng isang bansa.
#

RELATED STORIES:

US Vice President Kamala Harris, nanindigang dapat irespeto ang arbitral ruling na kumakampi sa Pilipinas sa West Philippine Sea

Pangulo, tiniyak na aaksyunan ang umano’y sapilitang pag-recover ng Chinese Coast Guard ng rocket debris sa West Philippine Sea

NSA, magpapadala ng ‘note verbale’ sa China re: sapilitang retrieval ng rocket debris sa WPS

DFA, Navy, iniimbestigahan ang umano’y debris ‘forced-retrieval’ ng Chinese Coast Guard sa WPS

Pag-atake sa WPS, otomatikong magi-invoke sa US Mutal Defense treaty – US VP Harris

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *