Utos ni PBBM na i-review ang sahod – ‘long overdue’ na ayon sa ilang grupo ng mga manggagawa

Naniniwala ang ilang mga labor group na ‘long overdue’ na ang ginawang order ni Pangulong Bongbong Marcos na i-review ang sahod sa Pilipinas.

Ito ay matapos atasan ng Pangulo ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na irepaso ang minimum wages dahil sa inflation.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Trade Union Conggress of the Philippines (TUCP) Legislative Officer Carlos Oñate – sinabi nitong wine-welcome naman nila ang order ng Pangulo.

‘Yun nga lang – huli na raw ito.

Umaasa naman si Oñate na maliban sa order ng Pangulo ay uusad na rin ang legislated wage hike proposals.

Sabi ni Oñate, kung nakalusot na sa Senado ang proposed P100 wage hike, sa Kamara naman ay tatalakayin na rin ito sa susunod na linggo.

Muli naman niyang kinontra ang pagtugol ng mga employer groups sa mga panukalang taas-sahod.

Aniya, ‘di totoong maliit lang na pursyento ng work force ang makikinabang dito lalo na’t ‘pag mataas ang sahod ay tiyak na iikot ang pera at ekonomiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *