Vaccination rate sa ilang lugar sa Metro Manila, tumaas kasabay ng Covid-19 cases increase

Tumaas ang vaccination rate sa ilang lugar sa Metro Manila kasabay ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

Nadagdagan ang bilang ng mga nagpapabakuna sa Mandaluyong City na umabot sa 700 hanggang 800 na dating 400 to 500 lang kada araw.

Ayon sa Covid-19 Vaccination Team Leader ng lungsod na si Dr. Kaiser Aneron, kailangan din umano sa trabaho ng ilang mga manggagawa ang booster cards.

Maging ang ilang mga kabataan ay hinihingian din umano ng naturang card para sa kanilang graduation at nalalapit na face to face classes.

Samantala, umabot naman sa 700 hanggang 1,500 ang nagpapabakuna sa Makati na dating 1,000 pababa lamang. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *