Vaccination roll out sa Isabela, palalakasin pa

Sisimulan na bukas, October 26, 2021 ang “Resbakuna on Wheels” ng Isabela Integrated Provincial Health Office na layuning mapalakas pa ang vaccination effort sa lalawigan.           

Ito rin ay upang maging mas accessible sa mga Isabelenos ang ginagawang pagbabakuna ng lokal na pamahalaan.

Isasagawa ang “Resbakuna on Wheels” sa mga residente sa mga lugar kung saan pahirapaan ang pagtungo sa mga vaccination site dahil sa mga ipinapatupad na restriksyon.

Ayon kay Vaccination Program operation Center Chairpeson, Dra. Arlene Lazaro, target nilang maisali dito ang mga kabilang sa A4 priority na kinabibilangan ng mga market vendor, transportation sector workers, teachers at ang nalalabi pang Adult Population.

Samantala, sa pinakahuling datos ng IPHO, umabot na sa 12.5% ang nabakunahan mula sa total projected population sa probinsya.

Mauuna namang pagdarausan ng resbakuna on Wheels ang mga bayan ng Cabagan, Roxas at Echague.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *