Sports

Vanessa Bryant tumanggap ng $28.85M na kabayaran sa crash-photo lawsuit

Tinanggap ni Vanessa Bryant ang kabayarang $28.85 milyon mula sa L.A. County sa kanyang demanda na inaakusahan ang ilang empleyado nito ng pagkuha at pagbahagi ng malagim na mga larawan ng kanyang asawa na si Kobe at anak na babae matapos silang mamatay sa isang helicopter crash noong January 2020.

Sumang-ayon ang Los Angeles County na bayaran si Bryant at tatlo sa kanyang mga anak na babae ng halos $30 milyon.

Kasama sa areglo ang $15 milyon na iginawad ng isang hurado kay Vanessa Bryant noong Agosto.

Matatandaang noong January 26, 2020, si Kobe Bryant at ang kanyang anak na si Gianna Bryant na 13 taong gulang, ay nasa isang helicopter kasama ang pitong iba pang tao nang bumagsak ito sa isang burol malapit sa Calabasas, California, na ikinamatay ng lahat ng siyam na sakay nito.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago