Labi ng nawawalang lalaking Argentine natagpuan sa pating

Natagpuan ng dalawang mangingisda ang labi ng isang lalaking Argentine na misteryosong nawala 10 araw na ang nakakaraan sa loob ng isang pating na kanilang nahuli.

Si Diego Barria, isang 32-taong-gulang oil industry employee na nawala noong February 18, ay nakilala sa pamamagitan ng tattoo ng isang rosas kasama ng pangalang Josefina.

Noong araw na nawala si Barria, lumabas siya para sumakay sa kanyang quad bike.

Pagkalipas ng dalawang araw, natagpuan ang kanyang nasirang quad bike at helmet sa isang malapit na lugar sa baybayin.

Ayon kay Regional police chief Cristian Ansaldo, walang matibay na teorya tungkol sa kung paano namatay ang biktima ngunit malamang siya umano ay bumagsak sa mga bato at tinangay ng dagat.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *