Vape Bill ganap nang batas matapos hindi i-veto ni Pangulong Marcos

Tuluyan nang naging ganap na batas ang kontrobersiyal na vape bill.

Kahapon ang huling araw para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung gusto nitong i-veto ang naturang panukala na ratipikahan ng Senado at Karama noong Enero 26.

Subalit dahil walang veto o lagda mula sa Pangulo naglapse into law na ito matapos ang 30-araw mula nang maipadala sa Malakanyang.

Layun ng batas na maregulate ang importasyon, manufacturing, pagbibenta, packaging, ditribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotin products.

Sa ilalim ng batas, binibigyang kapangyarihan ang Department of Trade and Industry (DTI), na magtakda ng technical standards para sa ligtas, consitency, at kalidad ng mga vape products.

Nakasaad rin sa batas na 18 years old pataas ang papayagan na gumamit o bumili ng produkto.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles naipadala na ni Executive Secretary Victor Rodriguez sa Senado at Kamara, ang kopya ng naturang batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *