Vessel monitoring system  sa mga commercial fishing vessel mahigpit nang ipapatupad ng BFAR

CAMARINES NORTE- Mahigpit nang ipapatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Vessel Monitoring System (VMS) sa lahat ng Philippine Flagged Catcher Commercial Fishing Vessels partikular sa mga bangkang 3. 1 gross tonnage  pataas.

Kaugnay nito ay sinulatan na ni OIC- Regional Director Ariel Pioquinto ng BFAR Bicol ang mga Commercial Fishing Vessel Operator sa lalawigan ng Camarines Norte upang mag- comply sa Fisheries Administrative Order (FAO) No 266 series of 2020 na may titulong Rules and Regulations on the Implementation of Vessel Monitoring Measures (VMM) and Electronic Reporting System (ERS) for Commercial Philippine Flagged Fishing Vessels at iba pang mga umiiral na batas sa fishery.

Binigyan ang mga Commercial Fishing Vessel Operator ng hanggang kahapon, January 6, para mag- apply for VMS installation at magsumite ng Original Sworn Undertaking sa BFAR 5 o sa Provincial Fishery Office, Mercedes, Camarines Norte.

Ang kabiguang mag- comply sa schedule date of installation ay magreresulta sa Non- issuance o revocation ng Commercial Fishing Vessel License (CFVL) at Certificate of Clearances (COC).

Matatatandaan na noong Nobyembre ay isinailalim sa VMS orientation ang mga nagmamay- ari ng commercial fishing vessel sa lalawigan.

Ito ay upang mabigyan sila ng kaalaman hinggil sa kahalagahan ng VMS na ipinapatupad sa bansa.

Ginamit ang VMS sa commercial fishing para ma-monitor ng environmental and fisheries regulatory organizations ang aktibidad ng fishing vessels.

Ito rin ay upang ma- improve ang management at sustainability ng marine environment sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang fishing practices ay naayon sa batas at maiwasan ang illegal fishing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *