Vice Ganda at Billy Crawford, nagkaayos na

Ikinagulat ng madla nang bigla na lamang lumabas ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia; kasama ang kanilang anak sa Magpasikat performance nina Vice Ganda, Jackie at Cianne.

Habang emosyonal na kumakanta ang tatlong performers ay biglaan na lamang nagpakita ang pamilya ni Billy sa studio.

Ayon kay Vice, labis ang pasasalamat nito kay Billy dahil kahit busy siya ay nabigyan niya ng oras na maging special guest sa kanilang performance.

Inamin din ng Unkabogable Star na nagkaayos na sila ng kanyang itinuturing na bestfriend.

Sinabi pa ni Vice, napakaimportanteng tao ni Billy sa buhay niya at regalo aniya nila ‘to sa fans ng noontime show na makita nilang magkasama sila ulit.

Sagot naman ni Billy, ‘lahat ng pamilya nagkakaaway, nagkakalabuan pero at the end of the day si God na rin ang bahalang mag-ayos.’

Sa huli, humingi rin ng tawad ang singer-actor kay Vice Ganda at sa madla na humahanga sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *