Walang local cases ng COVID-19 Delta variant sa PH- eksperto

Inihayag ng isang eksperto mula sa UP National Institutes of Health (NIH) na walang local cases ng COVID-19 Delta variant na na-detect sa bansa. 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NIH executive director Dr. Eva Maria dela Paz na ang 17 kaso ng Delta variant na naiulat sa bansa ay mga foreign travelers.

Ayon kay Dela Paz, mas nakakahawa ng 60 percent ang Delta variant ng coronavirus kumpara sa Alpha variant na 40 percent nang mas nakakahawa kaysa sa regular variant ng COVID-19.

Dagdag ng eksperto, severe ang kondisyon ng mga nahawa ng Delta variant.

Sa kabila nito, naiulat na epektibo pa rin ang mga bakuna mula AstraZeneca at Pfizer mula sa COVID-19 sa 60 hanggang 80 percent.

Mababatid na nagdudulot ng pagsipa ng COVID-19 cases ang Delta variant kahit sa mga bansang may mataas na vaccination rates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *