𝐏𝐍𝐏 π‚πˆπ“π˜ πŽπ… πˆπ‹π€π†π€π, ππˆππ€π€π‹π€π‹π€π‡π€ππ€π 𝐀𝐍𝐆 πˆπ‹π€π†π”π„Γ‘πŽπ’ 𝐍𝐀 𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐈-π‘π„ππŽπ‘π“ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŠπ€π‡πˆππ€-π‡πˆππ€π‹π€ππ† πŠπˆπ‹πŽπ’ 𝐍𝐆 πˆππƒπˆππˆπƒπ–π€π‹ 𝐎 π†π‘π”ππŽ 𝐒𝐀 πŠπ€ππˆπ‹π€ππ† 𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑

Hinikayat ng Ilagan City Police Station ang mga IlagueΓ±os na agarang isangguni sa kanilang himpilan sa oras na may napapansing kahina-hinalang grupo o indibidwal sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PCpl Cabalonga ng PNP Ilagan, kaugnay ito sa napaulat na sasakyang naglilibot umano sa Barangay Sta. Isabel Sur na nakumpirma namang mga contractor ng isang telecommunications company.

Aniya, inireport ng mga residente ito sa kanilang Barangay Official at dito nakita ang kanilang mga valid identification card kung saan nakumpirma na trabaho lamang ang ginagawa nila sa nasabing barangay.

Kaugnay dito, naging maagap ang pag-aksyon ng barangay officials at nawala ang pangamba sa mga residente sa kanilang nasasakupan.

Pinaalalahanan naman ng PNP na sa oras na may kahalintulad na insidente ay i-report agad sa mga barangay official na siyang magsasangguni sa himpilan ng pulisya upang agaran itong matugunan.

Bukod dito, tiniyak ng kapulisan ang seguridad at kaligtasan ng mga residente ng City of Ilagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *