𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗔𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗜𝗜𝗡𝗢𝗠 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗤𝗢𝗨𝗥 𝗕𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Huli sa akto ang apat na kalalakihan matapos maaktuhang umiinom ng alak sa kabila ng umiiral na liquor ban.

Sa nakuhang detalye ng Brigada News Team sa Police Regional Office 2 (PRO2), na-aresto sina alyas “Nard”, 38 taong gulang, magsasaka, alyas “Jocel”, 29 taong gulang, drayber at kapwa residente ng Brgy. Dungo, Aglipay, Quirino matapos may mag-sumbong na concerned citizen na may inuman session sa naturang lugar.

Samantala, napasakamay naman sina alyas “Warren”, 42 taong gulang, at si alyas “Mark”, 38 taong gulang, drayber at mga residente ng Brgy. Pinaripad Norte, Aglipay, Quirino matapos silang maaktuhang nag-iinuman ng rumorondang patrol.

Kaugnay nito, mahaharap sa kasong paglabag sa Comelec Resolution 10924 ng Omnibus Election code ang apat na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *