𝟭𝟮 𝗡𝗔 𝗣𝗗𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗝𝗔𝗜𝗟, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 #𝗕𝗦𝗞𝗘𝟮𝟬𝟮𝟯

Tapos nang bumoto ang nasa labing-dalawang Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Cauayan City District Jail.

Sa panayam ng Brigada News FM Cauayan Jail Chief Inspector Emerald Hombrebueno, onsite voting aniya ang naging set-up ng pagboto nila.

Ibig sabihin, sa loob sila ng kulungan bumoto ngunit ang kanilang mga balota ay mula pa sa mga mismong precinct ng PDL at ipinunta ito ng special election board sa District Jail para sila ang mag-facilitate sa halalan.

Nagpasalamat din si Chief Inspector Hombrebueno sa COMELEC at DEPED para sa kanilang suporta, maging sa Cauayan City District Jail personnel para sa mapayapa at maayos na pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *