𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗚𝗨𝗜𝗚, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝟭-𝗠 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Nasamsaman ng isang milyong halaga ng Marijuana hashish at shabu ang isang binata matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Iguig Police Station at Regional Drug Enforcement Unit Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, kinilala ang naaresto na si alyas Melo, 29-anyos, PDEA High Value Target.

Positibong nabili kay alyas Melo ang isang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagsanhi ng kaniyang agarang pagkaaresto.

Nakumpiska pa mula rito ang 2 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na isang gramo at nagkakahalaga ng P6,800, siyam na pirasong bricks ng marijuana hashish na may bigat na 600 grams na nagkakahalaga ng P1,000,000 at iba pang drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nasa kustodiya nan g Iguig Police Station ang naarestong suspek para sa karagdagang diokumentasyon habang inihahanda ang karampatang kaso laban sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *