𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗩𝗢𝗧𝗘 𝗕𝗨𝗬𝗜𝗡𝗚

Muling nagpaalala ang COMELEC Isabela sa publiko para sa mga kandidatong bibili ng boto ngayong nalalapit na ang campaign period para sa BSKE 2023.

Sa panayam ng Brigada News Team kay Atty. Manuel Castillo, ang Provincial Officer ng COMELEC Isabela, huwag aniyang ipagpalit ng publiko ang kanilang boto sa kakapirasong halaga na ibinibigay ng mga kandidato.

Aniya, huwag sana magpadala ang mga botante sa mga ibinibigay na maliit na halaga kapalit ng tapat na dalawang taon na panunungkulan.

Kaugnay nito, ang pagbili ng boto ay maituturing na isang election offense kung saan may kaparusahan itong pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon, bukod pa sa ibang mga parusa na itinakda ng batas.

Samantala, magsisimula na sa ika-19 ng Oktubre ang campaign period at matatapos ito sa ika-28 ng kaparehong buwan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *