𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗚𝗘 𝗔𝗥𝗘𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝟮, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Nanatiling walang suplay ng kuryente ang mga lugar na nasasakupan ng Cagayan Electric Cooperative 2 matapos mawalan ng suplay ang NGCP bunsod ng pananalasa ng bagyong Egay.

Batay sa anunsyo ng kooperatiba, walang pasok ang kanilang tanggapan ngayong araw dahil sa lakas ng ulan at hangin na nararanasan sa probinsya.

Sa kabila nito ay mananatili namang bukas ang hotline numbers ng CAGELCO II upang tugunan ang anumang concern ng bawat member-consumer-owners.

Kaugnay dito, kinakailangang i-report agad ng mga MCO sa tanggapan ng kooperatiba ang mga natumbang poste ng kuryente upang agad itong mapuntahan ng kanilang technical team.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang restoration ng CAGELCO 1 sa mga lugar na walang kuryente ngunit hindi muna ibabalik ang suplay sa mga binahang lugar upang maiwasan ang anumang insidente o electrocution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *