Supply ng ilang isda sa NCPM , apektado ng Habagat at Bagyong Egay

NAGA CITY โ€“ Ramdam ng fresh at dried fish vendors sa Naga City Peopleโ€™s Mall, ang limitadong supply ng ilang uri ng isda dahil sa Bagyong Egay at Habagat.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Market Superintendent, Ramon Florendo. Aniya, kulang na kulang ang mula sa Ragay gulf, may mga huli pa naman sa ibang pinagkukunan ngunit kakaunti lamang tulad sa San Miguel Bay, Buhi at sa iba pa.

Kung saan asahan na may pagtaas sa presyo ng mga isda lalo na ang bangus at tilapia maging sa mga dried fish.

Katunayan ang supply ngayon na mayroon pinapa-ubos na lamang, kung magtutuloy-tuloy pa ang sungit ng dagat, kukuha na ng supply na mga frozen na mga isda o dried fish sa Navotas at ang iba imported pa.

Wala rin dapat na ipag-alala dahil dadaan naman sa inspection at checking ang mga ibababa sa merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *