π——π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗕π—₯π—šπ—¬. 𝗧π—₯π—˜π—”π—¦π—¨π—₯π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π—‘π—¨π—˜π—©π—” π—©π—œπ—­π—–π—”π—¬π—”, π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§ 𝗦𝗔 π—žπ—’π—₯𝗔𝗣𝗦𝗬𝗒𝗑 – 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’

Himas-rehas ngayon ang isang dating Barangay Treasurer sa Brgy. Lublub, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya matapos siyang arestuhin ng mga awtoridad dahil sa maling paggamit sa pondo ng kanilang barangay.

Hindi na pinangalanan ang naturang dating opisyal subalit mahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 217 ng Revised Penal Code, particular ang Malversation of Public Funds or Property na mayroong inirerekomendang piyansa na aabot sa P72,000.

Sa bisa ng warrant of arrest ay nasa kustodiya na siya ngayon ng Alfonso Castaneda Police Station habang hinihintay ang direktiba mula sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *