๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐——๐—œ๐——๐—”๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ ๐——๐—œ๐—จ๐— ๐—”๐—ก๐—ข ๐—ก๐—š ๐—•๐—ข๐—ง๐—ข, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐— ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—œ๐—š๐—ฌ๐—”๐—ก

Nakapagtala ang Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ng kaso ng โ€œallegedโ€ vote buying sa tatlong bayan sa Lalawigan ng Cagayan kaugnay sa katatapos na BSKE 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kabilang sa tatlong bayan na ito ay ang munisipalidad ng Solana kung saan mayroong P50 ang nakadikit sa polyetos na binibigay ng mga tumatakbong kandidato sa lugar.

Mayroon din sa bayan ng Pamplona kung saan P1,000 ang naitalang halaga na ibinibigay ng mga kandidato, at sa Lungsod ng Tuguegarao na may P500.

Ang tatlong insidenteng ito ay inereport mismo ng mga taong nakatanggap ng pera sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, ayon kay Police Captain Shiela Foronda, ang Information Officer ng CPPO, nai-refer na ang insidente sa COMELEC kung saan nasampolan na ang asawa ng isang tumatakbong kapitan sa Pamplona at mahaharap sa kasong ihahain ng naturang ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *