𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗡𝗗𝗟𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗣𝗛𝗘𝗥𝗡𝗔𝗟𝗜𝗔𝗦, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗣𝗜𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Natanggap na ng Isabela Provincial Capitol kamakailan ang nasa kabuuang 301 na mga election paraphernalias para sa BSKE 2023.

Kabilang sa mga election paraphernalias na ito ay ang mga inedible stain ink, official ballots, at election returns.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Cauayan kay Provincial Treasurer Maria Theresa Araneta-Flores, ang mga naturang election paraphernalias ay ipapamahagi naman ngayong araw, October 17 sa tatlumpung munisipalidad maliban sa mga lungsod at mga coastal towns sa lalawigan.

Tiniyak din ng Provincial Treasurer, na ang mga paraphernalias ay kanilang babantayan para maiwasan ang anumang anomalya.

Kaugnay nito, ang unang batch ng mga election forms ay nauna nang naipamahagi sa mga municipal treasurers noong nakaraang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *