𝗠𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢; 𝗣𝗢𝗦𝗗 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔

Inireklamo ng isang pasahero ang nasakyan nitong traysikel sa Lunsod ng Cauayan kung saan mabilis umano itong magmaneho.

Sa natanggap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula kay Ruben, isang pasahero, isinalaysay nito ang naranasan bilang isang pasahero kung saan parang nakikipag-karerahan aniya sa daan ang tricycle driver.

Dahil dito, nangamba ito sa kaniyang kaligtasan bilang pasahero at nanawagan na maging responsable ang tricycle driver.

Samantala, sa inisyal na panayam ng Brigada News Team kay POSD Chief Pilarito Malillin, hinikayat nito ang mga pasahero na nakararanas ng serbisyo ng mga abusadong traysikel drayber na kunin ang kanilang body number at isangguni sa kanilang tanggapan.

Ito aniya ay upang agarang masawata at mapanatiling ligtas ang mga pasahero.                                            

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *