𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯, π—ŸπŸ―πŸ¬πŸ¬ 𝗩𝗔𝗑, π—‘π—”π—šπ—¦π—”π—Ÿπ—£π—¨π—žπ—”π—‘; π—œπ—¦π—”, π—¦π—¨π—šπ—”π—§π—”π—‘

Nagpapagaling na ngayon sa Tumauini Community Hospital ang drayber ng Honda TMX na motor matapos sumalpok ang kaniyang sasakyan sa isang L300 van kahapon, November 10, sa Brgy. Ugad, Tumauini Isabela.

Kinilala ang drayber ng motor na si Allan James Combes, 32-anyos, laborer, at residente ng Cabagan, Isabela; habang kinilala ang drayber ng L300 Van na si George Daquioag, 52-anyos, na isang empleyado ng NIA at residente ng San Mateo, Isabela.

Base sa imbestigasyon ng PNP Tumauini, binabagtas ni Combes ang kalsada papuntang hilagang direksiyon kung saan kasalubong naman nito ang L300 van at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nagsalpukan ang mga ito.

Nag-resulta ang insidente ng matinding pinsala sa katawan kay Combes na kasalukuyang nagpapagaling habang hindi naman nasaktan sina Daquioag at ang kasama nito.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na sila ng PNP Tumauini para sa karagdagang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *